Tuesday, September 27, 2005

Salat Sa Salita

Mahirap isipin, minsan, na ang tulad naming araw-araw, tiklada ng kompyuter ang kalaro at screen ng kompyuter ang kausap, nawawalan din kami ng salita.

Hindi tulad ng mga pang-araw-araw na istorya, may ilang bagay na mahirap bigyang depinisyon o deskripsyon.

Sa araw-araw, madali ang pagpitas ng salita, ang paghahanay nito at paghahabi ng mga ito.

Pero hindi ngayon.

Hindi ngayon, dahil tungkol ito sa 'yo.

Kagabi, napaniginipan na kita. Pagkagising ko, nakaramdam ako ng pagiging kumpleto. Parang umuwi na ako. Pero sandali lang ito nanatili. Mas mabilis nanaig ang pait ng realidad na nagising ako sa isang panaginip.

Ayaw kitang makita. Dahil mapuyos ang aking pakikipaglaban sa aking tunay na kagustuhan sa aking dapat na ginagawa.

Lalayo ako pero ang gusto ko ay lapitan ka. Iiwas sa tingin, pero gusto kitang titigan. Gusto kitang kausapin pero walang lumalabas na salita.

Pinahihirapan mo ako.

Gusto kita.

Pero maraming tanong ang nagiging balakid. Mamaya, pipikit na lang ako, at tatakas sa tunay na ibig, na makasiping, makapiling ka lagi.

2 comments:

tinapa said...

bilang isang kaibigan, gusto kitang tulungan. ngayon din mismo, puwede ko siyang lapitan at sabihin sa kanya ang matagal mo nang pilit ikinukubling damdamin. puwede ko rin siyang tanungin kung ito rin ba ang nararamdaman mo para sa kanya. pero hihintayin ko muna ang pagpayag mo - bago tayo magka-episode muli. mwahahahaha!!!

Phoenix Rising said...

haay, ang episode ehehehe.

wag muna itanong, makiramdam muna tayo.