Monday, August 14, 2006
August 13, 2006
Back when death was an alien idea. Hazel (front row, second from right) still pregnant with Sacha at the steps of the Department of Justice with other reporters covering the beat.
Tanda ko pa, Hazel, nung dumating 'yung pinakamagandang balita na dumating sa buhay mo. Noong una, duda ka pa, nasa mall tayo 'nun, sabi mo lately nahihilo ka. Sabi ko, "neng, baka buntis ka!" Nagtawanan tayo 'nun.
Isang linggo pagkalipas, totoo pala. Napakaswerte ko na kasama mo ako 'nung unang pumintig ang isang nilalang sa 'yong tiyan.
Mula noon binawasan na natin ang pagkakape sa San Francisco Coffee. Trip natin dun, kasi parang nasa Amerika tayo sa tunog ng coffee shop. Ambabaw minsan talaga ng kaligayahan natin. Pero ang pinakamababaw minsan, siya ang nagbibigay ng pinakamatinding saya.
Mahilig tayo mag-mall at hindi naman natin itinatanggi 'yun. 'Dun tayo nagbo-bonding. Nag-aangasan. Nagpapalitan ng pangarap (ang plano mong sundan si Josie kahit maging mga DH tayo sa mansion ng lola mo). Ang mga sapatos na ilang beses nating susukatin. Ang mga pangdekorasyon sa bahay (hanggang ngayon hindi ko pa nabibili 'yung sabi kong bolang bilog na magandang lampara sa bahay ko).
Mami-miss ka namin. Ikaw ang nagturo sa amin kung paano maging totoong tao at totoong kaibigan. Para kitang nanay dito sa Maynila. Pero aminin, minsan napagkamalan tayong mag-jowa sa Black Shop. Habang ipinapakita mo ang sinuot mong damit, tanong nung saleslady (salesman?), kung boyfriend mo ako. Isinumpa mo ang shop na 'yun dahil akala nila matrona ka. Hindi lang matrona, lesbiyanang matrona pa.
Kung wala rin lang tayong ginagawa sa JUCRA, ginagawa natin itong music school.Sa sobrang hilig nating kumanta, nagdala na si Kuya Roy ng electric guitar para naman may accompaniment tayo.
Magkatabi tayo ng manalo si Fantasia Barrino sa American Idol. Mangiyak-ngiyak tayo sa kanyang panalo. Parang sinasabing, tinuruan tayo ng estrangherong ito na mangarap at abutin ito.
Mga pangarap. Kung siguro pera ang pangarap, tayo na ang pinakamayamang bilyonaryo sa buong mundo. Gusto mong pumunta sa Europa, sa Paris (para makapagkape tayo at ako naman mag-yosi).
Marami kang pangarap para kay Sacha. Nakakatuwa nang minsang ipakita mo ang picture n'ya. Wala pang dalawang taon, pero naka-one length na ang inaanak ko. Tanong ko, "wala pa bang boyfriend 'yan?"
Pero sa kasamaang palad, ipinagkait ng pagkakataon na makita mo pang lumaki si Sacha. Anim o pitong taon n'yo na hinintay, pero wala pang dalawang taon mong nakasama. Wala na sigurong mas lulungkot pa sa pagnakaw sa 'yo ng pinakamaliligaya sanang sandali mo bilang ina.
At iyon ang nakakagagalit. Sa isang saglit, bigla na lang ganun. Wala na.
Pero hindi namin papayagan na ang ninakaw na sandali ay sadyang mawawala na lang basta. Lalaban kami.
Pangako, Hazel, bubuuin namin, sa bawat larawan na meron ka namin, sa bawat ala-ala na meron kami, sa bawat kanta na alam naming kantahin kasama ka, sa bawat kwento ... Hazel, sisiguruduhin naming makikilala ni Sacha ang mommy n'ya na alam namin na mahal na mahal siya.
Si Hazel kasama si Arnel. Kapwa sila nasawi kasama si Maeng nang banggain ng isang bus sa Pamplona, Camarines Sur, August 13, 2006, bandang alas-kwatro ng hapon. (larawan galing sa phlog ni Jove Francisco)
RELATED NEWS
Bus driver in ABC-5 accident released August 15, 2006
ABC 5 crew dies in Bicol road crashAugust 13, 2006
3 ABC-5 crew members die in road accidentAugust 13, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
joseph,
i feel your pain, and your loss. ilang buwan ko ding nakasama si jucra at sa ibang beat si hazel. isa nga siyang tutoong kaibigan at tutoong tao. nakakahinayang lang talaga kasi hindi na niya makakapiling pa si sacha. at hindi na rin makakapiling pa ni sacha ang kanyang mommy na lubos siyang minamahal.
joseph,
i feel your pain, and your loss. ilang buwan ko ding nakasama si jucra at sa ibang beat si hazel. isa nga siyang tutoong kaibigan at tutoong tao. nakakahinayang lang talaga kasi hindi na niya makakapiling pa si sacha. at hindi na rin makakapiling pa ni sacha ang kanyang mommy na lubos siyang minamahal.namahal.
richelle,
yeah, oo nga e. mas nakakalungkot noong necro services. wala nang balikan ang pag-alis ni hazel. :(
Post a Comment