Sa aming trabaho, minsan nakakatisod ng mga soundbytes na nakakahagalpak, nakakaaliw, nakakalungkot, nakakaaliw. Pero hindi namin puwedeng gamitin sa ieereng istorya dahil censored. Kaya dito n'yo mababasa ang hindi n'yo nakikita sa telebisyon.
Presenting ... the kwela koleksyon of soundbites!
1. ESTER BAILEY, sa hearing sa pagpatay sa kanyang kapatid na si DFA Assistant Secretary Alicia Ramos. Pababa siya ng hagdanan mula sa 3rd floor ng multi-purpose building ng DOJ, pagkatapos ng hearing. Sa isang klasik twang na tanging siya lang ang nakakaalam...
ESTER BAILEY: "Hey, hey good lukin'!. Hehehehe. Taahhhlk (talk) to me!"
2. FELICIDAD BARBA, kaanak ni Roberto Lumagui na pangunahing suspek sa krimen. Sa kanyang salaysay, narinig daw nilang nagtatalo ang mga suspek matapos mangyari ang krimen dahil kulang ang hatian. P700 lang ang naibigay sa naipangakong P20,000.
FELICIDAD BARBA: "Nagrireklamo raw si Joel (Ablay, isa pa ring suspek). Sabi ni Joel, 'pare,
nakapatay tayo ng tao, tapos P700 lang?"
-- to be continued --
Wednesday, June 01, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment