Monday, July 04, 2005

Kulungan

Dalawa lang ang kulungan sa buhay na ito.

Isang gawa ng kapaligiran. At isang tayo ang gumagawa.

Ang una, ang tinatawag na "societal standards": babae-lalake; nanay-tatay; empleyado-employee etc.

At ang bawat isa, may nakaakibat na papel, na mga dapat gawin, mga hindi dapat gawin, ano ang maaring gawin.

Sa ganitong istruktura, ang kapalaran mo, idinidikta. Hindi ka puwedeng lumampas sa kung ano ang nakatakda na.

Sa kulungang ito, madali ang buhay. Parang may isang script na sinusundan. Isang direksyon na tinatahak. Isang tiyak na patutunguhan.

Para sa ilan, parang hardin ito ng katiyakan, ng kawalang-pakialam at komportable dito.

Ang pangalawang uri ng kulungan, tayo ang may gawa.

Nakakatakot ito. Oppressive. At pinakamalaking inhustisya ang magagawa nating magpakulong rito.

Dinaanan ko ito. Nakaka-praning. Pero unti-unti, pinili kong palayain ang sarili.

Kung iisipin, ang mga "societal standards" ay mga social "constructs" lang naman. Gawa ng tao. At doon ko nakita ang kapangyarihan ko para gumawa ng sarili kong standard.

Walang pinagkaiba hindi ba dahil pareho lang namang gawa-gawa ito.

Pero irespeto rin natin ang mga taong walang sapat na tapang para kumawala. Kanya-kanyang panahon lang 'yan kasi. Baka paglipas ng limampung libong taon, mapagtanto, na maari na nilang palayain ang sarili.

Sa aking puntod, papalakpak pa rin ako.

No comments: