Annie Lennox
Annie Lennox lyrics :: Erased lyrics |
I'm gonna put it all behind me Like nothing ever happened between us Nothing ever took place between you and me... Yes Nothin' ever happened And if you se me walkin' down the street I won't even recognise you I'll just erase you from my memory Put it all behind me Because you are erased All erased... you'll be sittin' on someone else's couch You'll be eatin' off a stranger's plate Everything is gonna get wiped out Like a new start Like a brand new fresh clean slate Well here I go remembering again All the anger and the blame... People in glass houses shouldn't throw those stones but ... something just flew through my window pane My my my my ... (oh mama did it touch you well?) I'll be in a brand new pair of running shoes And you'll be walking on down different street in a brand new suit and a fresh clean shirt Makin' telephone calls... Keepin' in time with someone else's feet Keepin' in time with someone else's feet |
Iyon na marahil ang pinakamalungkot na pag-iisang dibdib. Sa altar, solo akong humarap sa paring pagal. Nagmamadali pero hindi niya alam ang sasambitin.
"You may now kiss the bride?," sabi n'ya, palinga-linga.
"Trick question ba s'ya father?" tanong ko. Kung hawak ko lang ang bulaklak ay naihampas ko na sa kanya.
Walang bulaklak. At wala ring ibang tao sa simbahan. Dalawang kandila ang nakatirik sa magkabilang tabi ng pari. Pero para sa akin 'yon.
"So ano'ng gagawin ko sa 'yo?" naiinis na tanong ng pari.
"Hindi ko rin alam," ang nasabi ko na lang.
"Bumalik ka na lang 'pag may kasama ka nang babasbasan ko. May burol pa akong pupuntahan," pakiusap ng pari.
Tinitigan ko lang siya.
"Maghanap ka. Huwag 'yong magdadrama kang pupunta dito ng mag-isa," naiinis na niyang sabi habang sumulyap sa relo niyang ginto.
Tinitigan ko lang siya.
Tumitig lang siya pabalik.
Tiningnan ko lang siya ulit. Ang kanyang mga labi. Ang matang nagniningning at sing-itim ng aking dilim ng pangungulila. Ang kanyang makapal na pilikmata.
Dumausos ang aking titig sa leeg niyang may butlig butlig na pawis. Sa parte ng kanyang leeg kung saan nag-uugnay ang dibdib at leeg. Minsan na akong nakatulog doon.
Tumungo siya.
Muli, pilit ko siyang tiningnan.
Umatras siya. At naglakad palayo sa aking kinatatayuan. Inihatid ng aking pananaw ang paring tumalikod. Hanggang sa nagsara ang pintuan ng simbahan.
Dilim.
Paano ko sasabihin na pinakasalan ko na ang aking nakaraan. At nabiyuda na rin ako nito.
Pag-aari ako ng aking nakalipas.
1 comment:
JTM, I love this entry. Matalinhaga pero may buhay. Galing!
Post a Comment