Okay na sana. Kinagat ko ang gusto niyang mag-date kami kahit inabutan na kami ng umaga noong Linggo. Galing ako sa mga dati kong kasama sa Kule noong Sabado at dumerecho ako para sa almusal ng beer at longganisa sa isang bar.
Kasama ko siya at 'yung kasama niya sa trabaho.
Okay na sana. Maganda ang kanyang mata. Dark-brown. Parang masarap ang labi, mapusyaw na pink ito. Pagupitan ko na lang ang buhok, mas okay na.
Sabi niya sa bahay siya matutulog.
Hmmmm, nagmamadali.
Okay na sana hanggang sa marinig ko yung babaeng kasama niya sa trabaho na nasa kabilang table.
Sa kanya: "Kaw talaga, namamakla ka na naman,".
Hindi pa ako lasing dahil narinig ko at nabwisit ako.
Naisip ko, tangna, may term pa lang ganun. Parang nambabae. O nanlalaki. Parang commodity. Nangisda. Nangahoy. Namangka. Nambaboy ka na naman.
Tinext ko sya: "shempre, narinig ko yung sinabi noong babae. Ano 'yun?"
"San ka sasakay?" tanong ko sa kanya.
"Ibaba mo na lang ako sa may SM. Doon ako sasakay pa-Caloocan," sabi niya.
Mukhang na-gets niya ang galit ko.
Sa loob ng cab.
"Nabasa mo text ko?" tanong niya.
Tiningnan ko ang XDA. Sabi niya sa text: "may gusto lang sa akin 'yun. tingin niya sa akin pokpok ako porke't maraming nagtatanong ng number ko."
Tumingin ako sa kanya. Tinaasan ko kilay.
Hindi ko na lang siya pinababa ng taxi. Malapit na rin lang naman ang kanyang uuwian. "Manong i-derecho n'yo na tapos balik na lang tayo Q.C."
Kinalabit ako. Sabi ko "Ano?" (Gusto yatang magpahalik, maghalikan kami.) Lumayo ako. Sumiksik sa kabilang side ng taxi.
Kumalabit ulit. "Ano?" (Gusto ko nang halikan. Tangna ang kulit!) Pero nagpigil ako.
Bumaba siya. Sa labas ng cab, nagba-bye. Feeling ko yung tipong babay ng mga sundalo na walang katiyakan kung buhay pang babalik galing sa giyera. O ng OFW na papunta ng Saudi (pwede ring Lebanon) na hindi alam kung kailan ang balik. Basta ganun ang feeling na nakuha ko noon.
Pag-uwi ko sa bahay, ibang araw na simula nang lumabas ako kahapon. Tinext ko sya na gusto ko sana siyang sa bahay na rin lang matulog. Pero nabad-trip ako sa narinig ko. (Nainsulto ang mas tamang term). Sabi ko pa sa kanya, pumasok ako sa relasyon dahil gusto ko siya. (Akala ko, ito na ang kasunod na taong mamahalin ko). Sana, kako, ganun din siya. Sabi ko kaya siguro naiinis ako na nagpapabili siya ng cap (ano'ng kasunod? t-shirt, pantalon, sapatos, bahay, lupa, sasakyan, bukirin, byahe sa abroad, scholarship grant, kabuhayan showcase?) dahil 'yun na lang ba ang magiging basehan ng relasyon.
Text ko sa kanya: "Bata pa ako para maging matrona."
Sabi ni R., talagang ganyan minsan raw natatanso tayo. Pero ayoko namang maging judgmental. Ang pinaka-test ay kung magti-text sya ulit pagkatapos ng text na 'yun.
"Obvious ba, hindi pa siya nagti-text," sabi ni M. na taga-kabilang istasyon.
Parang tama silang dalawa. Hanggang ngayon, hindi pa siya nagpaparamdam.
Naisip ko, baka walang load. Pwes, pasensiyahan, dahil hindi ako ang magbibigay nun.
Monday, August 07, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
harhar! ;)
Post a Comment