Letting Love Go
EBTG
Of course I feel betrayed,but that's the way it goes, everyone knows.
Trying to make you love me again,
crying at your door ust to hold you once more.
Darling I know it's so hard to let a love go,
it's not easy letting love go,
it's so hard to let a love go.
Darling don't I know, it is never easy letting go
when it's gone on and on and on and on.
Your friends said you looked well,
you promised that you'd write and call them at night.
But if you wake up in another town
and it's loneliness you've found just cause I'm not around,
then darling you'll know it's so hard to let a love go,
it's not easy letting love go,
it's so hard to let a love go.
Darling don't I know it is never easy letting go
when it's gone on and on and on and on.
But I'm not gonna pretend --
I find it hard to forgive and find a new way to live.
And if I had my time again, I'd still have you back,
it's as simple as that.
Darling I know it's so hard to let a love go,
it's not easy letting love go,
it's so hard to let a love go.
Darling don't I know it is never easy letting go
when it's gone on and on and on and on.
Isang gabi, dinalaw mo ako sa isang panaginip at binungkal muli ang ala-alang dala-dala na pilit (matagal nang) ibinabaon.
Malawak ang damuhan. Sa isang dulo: ikaw. Naalala ko ang damuhang iyon. Doon kami nagpapalipad ng saranggola ng mga pinsan ko 'nung maliit pa kami. Tuwing alas-tres ng hapon.
Humangos ako papunta sa 'yo. Unti-unti nabuo ang mukha mo: ang mata mong hawig ng isang taga-Ehipto. Ang mapupula mo at matambok mong labi. Ang buhok mong itim na itim. Ang matangos mong ilong.
"Kumusta? Bumalik ka na pala galing Amerika," sabi ko sa 'yo sa panaginip.
Isang matamis na ngiti ang itinugon mo na lagi mong ginagawa. Kikislap ang magagada mong ngipin.
Sunod na eksena, nakaupo tayo pareho. Nakatalikod ka at ako naman ay nakayapos sa 'yo. Ansarap ng pakiramdam. Nararamdaman ko ang tibok ng puso mo.
"I need you back," bulong ko sa 'yo.
Hindi ka sumagot.
Nagpalit ng eksena. Sa riles ng tren, dun ka raw nakatira. Kasama ang bago mong dyowa. Naawa ako sa 'yo. Maliit ang bahay n'yo. At sa riles pa ng tren.
Sunod na eksena.
Sa bahay, gabi, naghihintay ako sa 'yo. Natatakot dahil malapit nang magbukang-liwayway pero wala ka pa. Antagal. Sobrang tagal hindi imposibleng may iba kang kasama. Balisa ako 'nun.
Tatahol ang aso. Tatalak ang landlady ko. Parang alarm clock na ginising ako sa aking panaginip. Hindi ko alam kung dapat akong magpasalamat o sabay silang patayin. Pinutol nila ang muli nating pagkikita.
Umusbong ang katotohan. Sa aking isipan, sa buo kong pagkatao, nag-iwan ka ng pira-piraso mong ala-ala. Nakakalat sila sa loob. Minsan hindi ko sila mapapansin. Pero minsan naman, tulad ng gabing 'yon, babaha silang lahat, iibabaw.
At malulunod ako. Putangina ka.
No comments:
Post a Comment