Monday, May 16, 2005

Ang Garter ng Pagpapanggap

Kahapon, sa kasal ni Weng, pinaglaruan ni Lord si Nelson.

Pero pwede ring masisi si Nelson dahil ginusto naman niya 'yun.

Ganito ang nangyari.

'Di ba me sambutan ng bouquet at garter sa kasal? Isang simbolikong pagpapasa ng swerte? (Ganun ba 'un?) Inimbitahan ang mga gerlets at nakasama run si Ruth at si Ian. Pero sinawimpalad sila (kahit sa pagsalo ng bouquet, malas sila?) at ibang gelay ang nakasambot ng bulaklak.

So turn na ng mga boys na sumambot ng garter. Si Nelson sumali. Kumulog kumidlat (sana na lang 'di ba) at siya ang nakasambot ng garter.

So eto na, isusuot ng boy ang garter sa binti ng girl tulad ng nakagawian. At ayon sa salaysay ni Nelson, sabi sa kanya ng gelay, habang humihikab niyang itinataas ang garter sa binti ng gelay: "I'm a certified virgin!"

Duh? San galing 'un? At bakit gan'ung soundbite? Si Nelson pa ang sinabihan? Hehehehe.

"Pakialam ko sa 'yo?" gustong sabihin ni Nelson sa gelay.

Oo nga naman.

"Marry me and you'll die a virgin," sabi ni Nelson habang nasa sosyal na sasakyan kami ni Tex.

True.

Problem with gay guys, at least the straight-acting ones, is that they (still) send off some straight vibes.

That must really be hard to decipher for our prospects.

2 comments:

Overratedbitch said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Overratedbitch said...

Bwahaha! Poor geh-lay! Ilusyonada kasi sya! Feelingera! Intrimitida! Bwahahaha!