Monday, May 09, 2005

Eksena Sa Bridal Shower

Image hosted by Photobucket.com
Kami 'yan. Hehehe. Gusto ko sana caption-an ng mga names. Kaya lang, bahala na kayo manghula. Hehehehe.


Image hosted by Photobucket.com
Halata bang masayang masayang masaya kami? Mga repressed? Hehehehe.

Mga soundbytes sa eksena ng bridal shower ni Weng. Adonis, Timog Ave., Quezon City, May 6, 2005.

SCENE 1. INTERIOR NG VIP ROOM NG ADONIS. MADILIM MALIBAN SA ISANG PULANG BOMBILYANG PWEDENG I-DIM DEPENDE SA TRIP. NANDUN ANG MGA BOSS: SINA MA'AM TEX AT MA'AM GRACE. MGA DESK PEOPLE: IRIS, MYLA, AILYN, MALOU. MGA REPORTERS: TINA, NELSON, SANDRA, RUTH, TITO LHAR, AKO.

PAPASOK ANG MACHO DANCER. "JET" ANG PANGALAN RAW NIYA. BENTE UNO RAW SIYA. MATIPUNO. MATANGKAD. MEDYO CUTE. NAKA-PEKPEK SHORTS NA MAONG. GRAY NA TIGHT FITTING NA SANDO.

TAHIMIK. TENSE ANG MGA TAO.

JET
O ano, sayawan ko na kayo?
AKO
(Sasabihin sa sarili) Huh? Ganun? Ang mechanical.
MAGHUHUBAD NG SHORT SI JET. MAG-AALIS NG SANDO/SHIRT. SISIGAW ANG MGA TAO. ITUTURO NG MGA TAO SI WENG.
LAHAT
Siya ang isa-shower! Yiheeee! Weeeeengg! (Sabay magtatawanan)
GIGILING SI JET. WALANG PATUMANGGANG HAHARAP SA MGA TAO. NANG-AAKIT. UUNAHIN SI WENG. KUKUBABAWAN ANG NAGHUHUMIYAW NA SI WENG.
WENG
Aaaaaaaaaayyyyyyy! Huwag mo ako hawakan! Hihihihihihi.
LAHAT
Go Weng! Go Weng!
GIGILING PA SI JET. PARANG ROBOT. WALANG PAKIRAMDAM. TRABAHO LANG. PINAPAHIPO ANG UTONG. ANG KATAWAN. PATI *TOOT* OKAY LANG.
AKMANG LILIPAT SA IBANG TARGET SI JET.
Image hosted by Photobucket.com
WENG
(Nahihiya) Thank you!
AKO
Thank you?! Hehehehe.
WENG
Courteous ako eh, ehehhehe.
LILIPAT SA IBANG TARGET SI JET. MAGTATAKBUHAN PALAYO KAY JET LAHAT NG TAO. MALIBAN KAY MYLA NA NA-KORNER NA NI JET.
HAWAK NI JET ANG KAMAY NI MYLA. IPINAPADAUS-OS SA KATAWAN.
MYLA
Diyos ko! Diyos ko! May boyfriend na ako! Huwag! Aaaaaaaaaayyyyy! (Sigaw, hindi halinghing).
LAHAT
Magtatawanan.
MATAGAL KAY MYLA. PARANG PWEDE NA SILANG IWANAN. NAPAGOD DIN SI JET. LUMIPAT KAY IRIS.
AKMANG MAGTATAGO SI IRIS. BUT NO, NAKUBABAWAN NA SIYA NI JET.
IRIS
Jayteeeeeeeeee! Ano ba ito?!! Huwag, huwag. Pleaaaaaaseeeee. May asawa na ako! Aaaaaaaaaayyyyyy! (Sigaw ulit, hindi halinghing).

PAULIT-ULIT ANG EKSENA. MAGHAHABOL SI JET. TATAKBO ANG MGA TAO. ITO PA ANG IBANG SOUNDBITES NG MGA TAO.

TINA
Huwag ako, may asawa na ako. Araw-araw may ganyan ako!

UMIWAS NA SI JET KAY TINA ... HABAMBUHAY. WALA ROON SI TINA.

NELSON
(pa-mhin) Pare, wag mo kong hamunin. Hahawakan ko talaga yan.

MA'AM TEX
(Ituturo si Ma'am Grace) Huwag 'yan. Madre 'yan.

MA'AM TEX ULIT
Huwag ako, buntis ako!!!

SI MA'AM TEX PA RIN
Oy! Gaganyan ganyan ka tapos tatawagin mo akong Ate!

JET
(papalag, dispensa). Hindi ko sinabing ate a!

MA'AM TEX
Ano yun? Dear?

PAGKATAPOS ANG WALANG KATAPUSANG PAGGILING. MAPAPAGOD DIN ANG LAHAT. UUPO SI JET, KATABI SI WENG.

JET
Nasiyahan ba kayo?

RI-RING ANG CELLPHONE NI JET.

JET
Excuse ha!

LALABAS SI JET. MAKAKAHINGA NG MALUWAG ANG MGA TAO.

IRIS
In fairness, maliit siya.

-END-

3 comments:

Suyin said...

hmmm... iris ha. hehe. ;)

Overratedbitch said...

nakakaloka! i am speechless. (magkahalong inggit at shock na nararamdaman kasi!).

mag-shower din tayo, kahit walang ikakasal, para lang magtitili ako, hahaha! therapeutic kaya? :D

Phoenix Rising said...

well pde. kahapon, nasalo ng badingersi friend ko ang garter sa isang kasalan. bakit kasi sumali, ayan sabi ni lord, magdusa ka. habang inaakyat ang garter, sabi ng gerlet na nakasalo naman ng bouquet:" i'm a certified virgin." keber ng bakla! sabi namin, okay lang, pede ka na magpa-shower! hehehe