"Ang Tagapagmana"
Starring (from left to right): Bimbo Cerrudo, Andrea del Rosario, Sarah Geronimo, Maui Taylor at isang unknown na artista.
(basahin) Episode 1- "Ang Simula ng Wakas"
Episode 2 - "Ang Kaputol ng Kahapon"
Cast of Characters
BIMBO SERRUDO
Bago nawala sa ere ang karir, nakapag-host pa siya ng "K, the 1-Million Videoke Challenge." Bigla na lang sumulpot sa kabilang istasyon at kamakailan lamang ay nagpakita ulit sa inalisang TV Network. Istar sa pelikulang "Uno" pagkatapos manalo sa "30 Days."
ANDREA DEL ROSARIOW
Istar siya sa best-selling na (tuna)belly-dancing. Natikman na niya si Vin Diesel.
SARAH HERONIMO
Grand winner ng isang singing competition sa telebisyon. Sa kasalukuyan, pinagkakaabalahan niya ang paggawa ng musika sa pamamagitan ng straw ng Jollibee, Yumburger at french fries. Nakipag-date kay Plastikman.
MAUI TAYLOR
Dating sexy-star turned Japayuki (three months lang namaaan) turned presidential daughter.
UNKNOWN NA ARTISTA
Mayaman ang kanyang filmography 'yun nga lang hindi n'yo siya napapanood sa mainstream. Ilan lang sa mga critically-acclaimed n'yang pelikula at dula ang "Patayin sa Sindak si Barbie (Season 176), 1998; "Bahay Mo Ba 'to, Lolah?, 2003 at "Shake, Rattle, Body-body dansaaaah! A Musical Tribute to That's Entertainment, 2004".
---0O0---
SUMMARY
Dumating sa buhay ng mga Ramos (as in Alicia, Leticia at Ester) si Mirasel (Andrea), isang G.R.O. na galing sa Pegasus na nakita ng Padre de Familia na na-deds na.
Si Ronnie (as in Ronnie Rickettes/Bimbo Cerrudo) ang panganay sa pamilya. Pero sabi ng Padre de Pamilya: "hindi bading ang magmamana na ang aking kayamanan. Kaya kay Monette (Sarah), ang masunuring anak pero ampon pala, raw mapupunta ang mga hacienda.
Pero umalma ang rebeldeng si Sylvia (Maui). "Mas gold ang gown ko sa kanya! Mas mukha akong heredera! Ampon! Ampon! Ampon ka laaaaaaaaaaaaaaang!"
Pero may naibuking na sikreto si Pader. At ang autistic na si Jimbo (isang unknown na artista, na suki sa mga slasher films) lang naikwento ng matanda bago siya mamatay. Pero autistic nga siya di ba?
Kelan, o kelan siya makakawala sa kanyang mundo at maibubunyag ang katotohan. Sino .... o sino.... ang ..... (in cue music: sino ang baliw ni kuh ledesma) ... sino ... sino ... sino ... ang "Tagapag .....maaaaaaa...naaaaaaaahhhhh! (horror film ito?) Hulaan n'yo na lang ang Padre de Familia (clue: FLG ang initials n'ya).
EPISODE 1 - "ANG SIMULA NG WAKAS"
Kumukulog, kumikidlat sa Hacienda Maligaya sa may Tarlac. Bumubulong ang hangin, nagbabadya. Malungkot sa mansion ng Padre de Familiang si FLG as in Fernando Lowaist Gang.
Sa master bedroom, isang kandila lang ang nagsisilbing tanglaw. 1992 noon. Panahon ng krisis sa elektrisidad. Kahit ang mayayaman, hindi nakaligtas. Balik tayo sa kandila. Tumatangis ito. *hikbi* sabi ng kandila, sabay papatak ang natunaw na apoy.
Napapaligiran ang naghihingalong si Don Fernando ng kanyang mga anak: si Monette, si Sylvia at si Jimbo.
Nakaluhod si Monette, animo'y natutulog sa dibdib ng ama. Humihikbi. Nakikipagpaligsahan sa pagandahan ng pag-iyak sa nakatirik na kandila.
"Dad..." sasambitin niya na parang hindi niya kayang sabihin. "... huwag mo akong iwan," sabi ni Monette.
Narinig ito ni Sylvia. "Ako?! As in ikaw lang?" sabi niya sa sarili sabay taas ng kili-kili, at ng braso, akmang sasapakin ang nagda-dramang si Monette. "Imbey itong chorvang ito. Kung ano-ano ang drama," sabi sabay irap, nakapamayawang. "Ampon ka naman," bulong ni Sylvia.
Narinig ata ito ni Monette, natigilan siya sa Maricel Drama Special n'yang pag-iyak.
"Dad, sige na, if you wanna go, we're ready. Don't fight back. Ganyan talaga ang buhay, may katapusan. Nauna ka lang. O Monette, baka gusto mong sumama?!" advise ni Sylvia sa naghihingalong ama.
Bubukas ang pinto. Dahan-dahan. Sabay biglang aalagwa ang pintuan. In cue music: "K! the 1-million peso videoke challenge!" Aapir ang baklitang panganay, si Ronnie.
"O, patay na ba? Tawagin n'yo na lang ako ha? Busy ako sa kabilang kuwarto," sabi ni Ronnie kay Sylvia, sabay nakangiting papahirin ang labi na parang kakakain lang (hindi pa natin kung ano, basta, busy siya). Babalik sa kuwarto si Ronnie.
Matitigilan si Monette. Nangyari na kaya ang kinatatakutan? Ito na ba ang katapusan?
Tatakbo si Jimbo sa ama.
"Dad, laro tayo!" sabay hatak sa braso ng amang maysakit nga. Pero hindi ito alam ni Jimbo, dahil again, autistic nga siya di ba?
Mahihiwalay ang braso ng ama sa katawan nito.
Tuwang-tuwa si Jimbo. Lalabas ng kuwartong inihahampas-hampas ang braso ng ama na parang batuta sa baseball.
Iiyak si Monette. Papalahaw. "Daaaaaaaad! Bakit mo AKO iniwan?" wala talagang konsepto ng kapatid si Monette.
Tatalon sa tuwa si Sylvia. "Hoy, Ronita, deds na si Papa!"
"O sige, kaw na bahala d'yan," sabi lang ni Ronnie, malaki ang pinagkakaabalahan ni Ronnie.
Sa labas ng hacienda, sa gate, 10 kilometro ang layo. May paparadang pulang kotse. Sa ulanan, maaninag ang anino ng sakay nito. Babae, mahaba ang buhok. Nag-retouch ng lipstick ang gelay na sakay ng kotse. Magpapa-pout.
"Humanda kayong lahat sa akin," bulong nito sa sarili.
Sino ang babae? Ano ang mga sikretong mabubunyag sa pagkamatay ni Don Fernando? At ano ang nangyari sa braso n'ya?
Abangan ....
EPISODE 2- "ANG KAPUTOL NG NAKARAAN"
Sa sala, matutunton ang mga patak ng dugo parang mga mapang sinasabing “this way.” Susundan ng kamera ang patak ng dugo. Magpapaikot-ikot ito sa lamesa, sa plorera, sa kusina, lalabas ng balkonahe, tutulay sa hagdanan, at sampung kilometro maglalakbay ang patak ng dugo, tatawid ng garden, ng mahabang drive way. Si Jimbo hawak-hawak ang putol na braso ng ama. May makikitang gelay si Jimbo sa may gate.
“Hi! What’s your name,” malambing pero malanding sabi ng misteryosang babae. Humahangin, liliparin ang bangs ng gelay ala Palmolive (as in Pahl-mow-lib).
“Huh, ano nga bang pangalan ko?” tanong ni Jimbo sa gelay. Autistic nga pala si Jimbo. Pagpasensiyahan na natin si Jimbo meron din naman siyang parang lucid intervals parang isang sisterete ng mga Ramos tulad ngayon.
“Uh, Jimbo po!” sabay sigaw ng bata na parang isang epiphany ang pagkakaalala sa pangalan.
“Oh, hi Jimbo,” sabi ng gelay. “I’m Mirasel. You can call me Tita Mel.”
“Nice to meet you po!” bati ni Jimbo sabay abot ng putol na kamay ng ama para makipag-shake hands.
“Oh my God!” nagulat si Mel. Pero kinamayan pa rin na parang nahihiya ang putol na kamay ng ama ni Jimbo.
“Oh my God ulit! Whose hand is this?” tanong ni Mel kay Jimbo.
“I don’t know… uh, I think it’s my Dad’s?,” walang muwang na sagot ni Jimbo.
“Your Dad’s ….?” Naluluha na si Mel.
“As in your Dad’s…” nauutot na sa kaba si Mel.
“As in Don Fernando Lowaist Gang?” paniniguro ni Mel.
“As in!” sagot ni Jimbo.
“(For the third time). Oh myyyyy Gaaaaaaaaaaaaaddddddddd!” sigaw ni Mel. “Oh my God! Ferdie, bakit mo ako iniwaaaaaan??!!!! Why didn’t you wait for me? I told you like three months ago that I’ll come home. Nagpapa-parlor lang ako sa Paris!” iyak nang iyak si Mel.
“Huwwaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!” bibirit na ng iyak si Mel parang Pinoy Pop Shupppperrstaaaahhhhhhrrr.
Aalingawngaw ang iyak ni Mel sa buong Hacienda Maligaya. Maalimpungatan ang mga nakahapong tandang (shet, napaaga ang gising ko. Istorbo ‘tong babaeng ito, sabi ng Tandang sa kayakap niyang Tandang). Mabubulabog ang mga paniki. Kakahol ang mga aso. Magtatalunan ang mga kabayo sa kuwadra.
Maririnig ang palahaw ni Mel sa loob ng bahay.
“Sino ‘yun?” nagising si Ronnie. Babangon, kukuha ng kumot isasaplot sa katawan na parang gown. Hahalik sa dibdib ng kasiping. Kakagatin ang labi ng isa pang kasiping. Tatanggalin ang yakap ng ikatlong kasiping.
“Huh?” pagtataka ni Monette.
“Shet, sino ba ‘yun?” nagtataray na tanong ni Sylvia.
“Do you know who owns this hand?” tanong ni Jimbo kay Mel.
Pagkatapos maka-recover sa mala-pagputok ng bulkang pag-iyak, iku-compose ang sarili at sasabihing ….
“Of course. I know his hand very well….” Sabi ni Mel kay Jimbo. Titingin si Mel sa malayo, sa buwang bilog na bilog at papatak ang luha sa kaliwang mata na ala-Nora Aunor.
“I know him very well,” sambit ni Mel.
3 comments:
nya! ba't mo binuking yung plot ng pantapat ng syete sa bagong telenovela ng dos?
(though i heard mas malaki daw ang offer sa'yo ng abc for the rights of this new telenovela to put juday and claudine in the dustbins of tv history).
sana, kapatid na jimbo, gandahan mo naman ang mga eksena ni monette. kaya ba yun ang pangalan dahil ako'y isang muret?
extra name ko sa telenovela mo ah! ngayon ko lang nabasa.
ginawa mo nga ako artista gro naman but nway napaka-creative mo tlga at nakagawa ka ng isang nakagigilalas at kahindikhindik na istorya at the same time nakakatawa.
nakakaaliw.....
(mirasel po...taga lucena >>the coco palm citttyyy...)
Post a Comment