Thursday, May 12, 2005

Si Lord Na Ang Nagsabi

Kagabi, bumaha ulit ng ala-ala. Pero nagalit na ako.

"Lord, mag-usap nga tayo," opening prayer ko. Uupo ako sa kama, madilim, naka-crosslegs ako.

"Ayoko na ng mga modang ganito. Lord (nagsusumamo), ayoko na. I reject this pain. I don't want this anymore. I'm entitled to love someone," sabi ko sa kanya na kunyari hindi pa niya alam ang angas ko.

Natulog ako, alas-dos ng madaling araw. Niyapos ko ang dalawang unan. Puno ng galit at pangungulila. Kung puwede nga silang mamutla, baka namatay na sila. Death by suffocation, parang si Asst. Sec. Alicia Ramos. Pero mga unan lang sila. Puro laman pero walang pakiramdam. Wala rin silang pakialam.

Isang text, dumating habang tumatawid ang diwa mula sa kasalukuyan patungong neverland. Pero nanaig ang pagod at pagkapagal sa mga bagay na wala namang katapusan.

"Nag-text kaya si Lord?" inisip ko.

Kinabukasan, humahangos ako dahil late na nman akong nagising.

Tiningnan ko ang cellphone. Si *****.

"Pinaglalaruan ako ni Lord. Pinsan ko pa yata ang gusto niya para sa akin," text ko kay Ruth.

Sa isang bookstore, nagsalita ulit si Lord, sa pamamagitan ng isang libro. Ang title, "When God Writes Your Love Story".

Demonyita ako pero lab pa rin ako ni Lord. Minsan, bukod sa libro, nasa TV rin siya.

Kagabi sa replay ng "Oprah" ang topic ay tungkol sa babaeng namatayan ng tatlong anak. Mas tragic ang istorya niya. Pinagpapatay ng kanyang dating asawa ang kanilang mga anak.

Moving on ang topic. Swak na naman si Lord. Sabi nung babaeg namatayan: "You have to find your own inner strength. Think that you were gifted with their love when they were still here. It's in these memories that they become alive," sabi ng gelay na parang isang speech.

Memories. Eh, 'yun nga ang pumapatay sa akin.

Pero balikan natin ang libro. Napaisip ako 'ron. Ano kaya ibig sabihin ni Lord. "Hoy! 'Wag ka nang magpaka-senti. Ako bahala sa 'yo. Allow my hands to shape your (love)life."

Well, sabi nga ni Julia Fordham, Nina at MYMP: "Love moves in mysterious ways."

Sige, papakinggan ko si Lord.

Pero Lord naman, bakit antagal?

4 comments:

tinapa said...

leche! lagi akong kasama mo tuwing sumasagot si Lord. actually, isang beses lang ako di nakasama. remember the restaurant episode?
pero lagi Ka niyang sinasagot. di ka lang nakikinig. at minsan, dinededma mo yung sagot Niya dahil hindi yun ang gusto mong marinig.
tamaan ka ng kidlat e... pano kung yun ang sagot ni Lord sa yo?

Phoenix Rising said...

kere lng. matutusta ako sa aking kahibangan.

Overratedbitch said...

hitad ka! akala ko ba wala lang love mode ngayon?! na ayaw mong mag-Maricel Drama Special (incidentally, sa Dos yun ha, lagot ka!).

Sige, ihahanap na talaga kita ng date, pramiz!

tjimenez said...

hoy, ang arte arte mo. feeling best actress ka.
ganyan talaga, kung ayaw mong masaktan, wag kang magmahal - magtuud-tuuran ka nalang, forever!
i really think all of these emotional ek are connected with the alignment of the planet. hay. see yah sunday? nice poem for weng and joel. i'm planning something for us on my birthday. next month pa though. :) smile