Monday, July 24, 2006

Sabong

Kagabi nagsabong na naman ang kunsensiya.

Nagreklamo ang una, "Tangna, ngayon ko na lang ulit narinig na sambitin 'yun na parang sakit," sabi niya.

"Ha?" tanong ko.

"Nagsisigaw ba naman: "*******! *******! *******" nanggagalaiti pa rin siya.

"Me nag-react ba naman?" tanong ko.

"Wala. Para siyang asong ulol 'dun na nagsisisigaw!" kwento niya.

"Mabuti na 'yun ganun ka ..." sabi ko sa kanya.

Tumitig siya akin, parang hind niya alam kung kakampi ba n'ya ako.

"Kesa naman SINUNGALING!," ismid ko sa kanya.

"Oo nga," sabi niya sabay sindi ng yosi.

No comments: