Takot ako sa mga kaluluwang gala
Minsan, hindi inaasahan, mangangamoy bulaklak
Lalamig ang hangin
(Putang'na mo! Kaw na naman?!)
Nakakatakot, alam ko patay ka na
Pinatay kita, hindi ba?
Sinunog, pilit ibinaon
Gamit ang putik na pinalambot ng luha
'Pag nagparamdam, walang magagawa
Mamaluktot, magkukumot
Aawayin ang lamig
At sisigawang pilit ang pighati
Pipikit, sisilip nang kaunti sa salaming katapat
Maaninagan, mararamdaman
Itim na bahid ng pagpaparamdam
(Siya nga, pyucha, siya ulit)
Tantanan mo na ako!
Hindi na kita kailangan!
Tatakbo, bubuksan ang ilaw
Pagtingin sa salamin: walang ibang pigura
Kundi sa akin
Friday, August 19, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment